KORONADAL CITY- LUMAGDA na sa Memorandum of Agreement o MOA ang 202 na mga bagong scholars ng Kabugwason Paglaum Scholarship and Grant-in Aid Program o KPSGIAP ng Provincial Government ng South Cotabato.
Ito ay binubuo ng 158 na mga new scholars o Batch 18 sa ilalim ng College Degree program.
Ang mga scholars ay makakabenepisyo sa free tuition, monthly stipend at book allowance.
Samantala, 44 naman ang mga bagong post-graduate scholars ng probinsya na kinabibilangan ng 31 para sa juris doctor at 13 na mga kukuha ng doctor of medicine. Ang mga ito ay Batch 7 ng mga post-graduate degree scholars.
Ang mga juris doctor students ay makakatanggap ng financial assistance na P 15,000 per semester habang P 20,000 naman sa mga medicine students.
