So.Cot, magdo-donate ng lupa sa TESDA

KORONADAL CITY- MAGBIBIGAY ng lupa ang provincial government ng South Cotabato na pagtatayuan ng provincial office ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Inihayag ni TESDA 12 Regional Director Rafael Abrogar II na sa ngayon, inihahanda na ang Deed of Usufruct para sa donasyong lote upang malagdaan na dalawang partido.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Labis naman ang pasasalamat ni Director Abrogar sa provincial government sa pamumuno ni Governor Reynaldo Tamayo Jr sa suporta nito sa TESDA.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Samantala, target naman ng TESDA 12 ang nasa 5000 hanggang 10,000 na mga scholarship slots sa iba’t ibang mga training courses na ibibigay sa mga mamamayn ng South Cotabato.