Hindi raw volcanic smog o vog ang nararanasan ngayon sa Metro Manila.
Ayon sa Philippine Institue of Volcanology and Seismology (Philvolcs) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang naranasang makapal na usok sa Kamaynilaan ay resulta lang heavy traffic tuwing rush hour.
Nilinaw ng Phivolcs na ang vog na galing sa Bulkang Taal ay pa west-southwest at hindi ito papuntang Metro Manila.
Sa kabila nito, naitala ng DENR na nakararanas ang ilang lugar ng Metro Manila ng poor air quality partikular na sa Parañaque, Pateros, at Makati
Samantala, ayon naman sa PAGASA na ang smog na nararanasan ay dahil sa thermal inversion o ang paghalo ng smoke o usok na galing sa mga sasakyan at fog na galing sa volcanic gas ng bulkang taal.
Volcanic Smog, magpapatuloy pa hanggang nakararanas ng low humidity ang lugar malapit sa Bulkang Taal
Magpapatuloy pa ang nararanasang volcanic smog hanggang sa mga susunod na araw ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sa panayam ng Brigada News FM kay Jerome De Lima, Science Research Specialist ng PHIVOLCS, sinabi nito na hangga’t nakararanas ng low humiditya ang mga lugar na malapit sa Bulkang Taal sa Batangas ay mananatili ang vog.
Hindi diretsahang sinabi ng Phivolcs ang petsa kung kailan mawawala ang volcanig smog bagamat sinabi nito na kung makararanas ng mga pag-ulan makatutulong ito upang mawala ang usok na idinudulot ng nasabing bulkan sa Batanga.
Kung maalala, inalis nga ng PHIVOLCS ang pangamba ng ilan na baka sinyales na naman ng pag-aalburoto ng Taal ang ibinubuga nitong smog na nananatili naman sa alert level 1.