Smartmatic – may kinalaman sa allegations vs Garcia?

Inisa-isang pabulaanan ni Commission on Elections (COMELEC) chairperson George Garcia ang mga akusasyon laban sa kaniya, partikular na ang mga ‘di umano’y offshore accounts niya.

Sa isang pulong balitaan, iinakita ni Garcia ang mga papeles at mga patunay na wala talaga siyang account sa labas ng bansa.

Mayroon din itong ipinakitang address ng umano’y nagpadala ng pera sa sinasabing offshore account.

Read More:  Cayetano confirms vehicle used by Bato to return to Senate

Napag-alamang ang address nito ay kapareho rin sa address ng dating supplier o election provider ng COMELEC na Smartmatic.

Bagamat hindi direktang tinukoy ni Garcia na Smartmatic nga ang nasa likod ng mga alegasyon, makikita ang ilang mga personalidad na may kaugnayan sa naturang kumpanya.

Read More:  CBCP urges Senate to immediately proceed with VP Sara impeachment trial

Nanindigan din si Garcia na malinaw daw na isang foreign entity ang nanghihimasok sa eleksyon sa bansa.

Sa ngayon – nananatili pa rin naman umanong mataas ang moral ng poll body.

Muli rin niyang idiniing ang mga isyung ito ay hindi makaaapekto sa paghahanda nila sa halalan.