NAGA CITY –Nararamdaman ng ilang Barangay Health Center sa Naga City ang kakulangan ng mga gamot at vitamins para sa mga bata sa panahon ngayon na paiba-iba ang klima, mainit sa buong maghapon at minsan umuulan ng malakas.
Sa sitwasyong ito, ang mga bata lalo na mga sanggol ay nagkakasakit ng ubo, sipon at lagnat na may kasama pang hika.
Kabilang sa nakakaranas ng ganitong mga sakit ay ang mga bata sa Barangay Concepcion Grande na ayon kay Dina Capistrano, Barangay Health Worker siyang nakikita nila at naitatala sa kanilang paglilibot.
Sinabi niya sa Brigada News FM Naga na kawawa ang mga bata, mga sanggol na may ubo at may sipon pa.
Agad naman nilang nabibigyan ng medikasyon, subalit kulang naman ang supply ng mga gamot nila at vitamins sa center.
Anya’y inaabisuhan na lamang nila ang mga magulang na bumili sa botika, dahil wala kung nauubusan sa Barangay ang iba sa mga ito ay nagsasadya pa sa City Health Office para makahingi ng kanilang kailangan.
Muli ang paalala nila sa mga ina tamang lifestyle at kumain ng masustansya.