Sinibak na PDEG chief, posibleng maharap sa mas mabigat na kaso dahil sa shabu cover-up case

Maaari umanong maharap sa mas mabigat na kaso si Gen. Narciso Domingo kaugnay ng pagkakasamsam ng 990 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon noong 2022.

Matatandaan, si Domingo, na una nang itinanggi ang pagkakaroon ng cover up, ay tinanggal na sa kanyang puwesto matapos matuklasan na sinubukang pagtakpan ng mga opisyal ng PDEG ang pag-aresto kay Police Master Sgt. Rodolfo Mayo.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sa press briefing kahapon, sinabi ni PNP-Investigation and Detective Management Director Maj. Gen. Eliseo Cruz, ang pagtanggap ng rank promotion sa loob ng PNP ay nangangahulugan ng pagtanggap ng mas mataas na responsibilidad.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Samantala, aminado si Cruz na ang mga nadiskubreng iregularidad sa mga tauhan ng PNP-PDEG ay nagpapahina ngayon sa moral ng organisasyon, ngunit patuloy niyang hinihimok ang lahat ng tauhan ng PNP na manatili sa kanilang mandato at huwag masyadong maapektuhan.