Kumpyansa si Finance Secretary Ralph Recto na makakamit ng Pilipinas ang single digit poverty rate o yung 9% poverty rate pagsapit ng taong 2028.
Ito ay matapos iulat ang pinakamataas na employment rate sa buwan ng Hunyo.
Umabot na kasi ito ng 96.9% na katumbas ng higit-kumulang 50.3M na may mga trabahong mga Pilipino.
Kasunod nito, nasa 3.1% ang unemployment rate noong Hunyo, na makokopnsidera na ‘lowest level’ batay sa isang survey.
Pagtitiyak ni Recto na sa pamamagitan ng “all-time high” na Gross National Income Per Capita, at ng mas pinalakas na labor market, posibleng maabot ng Pilipinas ang pagiging upper middle income country sa susunod na taon.
Sisiguruhin din aniya ng gobyerno ang pagbibigay ng de-kalidad na trabaho sa mga Pilipino.