Singil sa kuryente sa APEC, muling tataas ngayong buwan ng Setyembre

LEGAZPI CITY – Muling inanunsyo ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) na ngayong buwan ng Setyembre ay tataas muli ang singil sa kuryente.

Ayon sa APEC, ang pagtaas ng rate ngayong buwan ay kadalasang dahil sa pataas na paggalaw sa generation charge.

Aniya, para sa mga residential consumers ay tataas ng ₱18.5473 bawat KWH mula sa P18.0369 kada KWH noong nakaraang buwan, habang ang kabuuang rate ng commercial consumer ay tataas ng ₱17.5637 mula sa P17.0533/KWH noong Agosto.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nilinaw din ng korporasyon na hindi kumikita mula sa mga pass-through na singil, tulad ng generation at transmission charges.

Ang bayad para sa generation charge ay napupunta sa mga power supplier, habang ang bayad para sa transmission charge ay napupunta sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Kaya, ang APEC ay gumaganap lamang bilang tagapamagitan ng mga singil na binabayaran ng mga mamimili.

Dahil sa mas mataas na mga singil ngayong buwan, muling pinapayuhan ang mga konsumers na magbayad ng bill ng kuryente upang hindi maputulan ng supply ng kuryente ang buong lalawigan.