Itinaggi ng Ipilan Nickel Mining Corporation ang ulat na ang mining operation ang direktang sanhi ng pag-iba ng tubig sa ilog ng mambalot, Brooke’s Point.
Ayon kay Mine Environmental Protection & Enchancement Officer LOIUE ARLEGUI, walang direktang kinalaman ang minahan sa pag-iba ng Mambalot River dahil malayo umano ito o nasa labas sa kanilang Mineral Production Sharing Agreement.
Ang Mt. Tula- tula sa Bgy. Ipilan umano ang maaaring pinagmumulan ng paglabo ng tubig sa Mambalot dahil sa “disturbances” subalit hindi nito matiyak kung ang landslide ang talagang sanhi ng paglabo ng tubig patungo sa dagat.
Iginiit pa ni Louie na malinis ang kanilang “discharges” sa mga ilog na nasa labas ng kanilang MPSA at hindi ito ang dahilan ng discoloration ng tubig na hindi aniya sa unang pagkakataon nangyari.
Samantala, nakahanda umano ang mining firm na samahan ang concerned agencies sa pinaplanong assessment sa mga ilog, sakahan at iba pa para alamin ang sanhi ng discoloration.