Singil sa kuryente na babayaran ngayong Agosto tumaas na naman

CAMARINES NORTE- Sinalubong uli ng pagtaas ng bayarin sa singil sa kuryente ang mga miyembro kunsomidores ng Camarines Norte Electric Cooperative ngayong buwan ng Agosto.

Ito ang inanunsiyo ng Canoreco sa pamamagitan ng kanilang official facebook page nitong Miyerkules, August 3, 2022.

Tumaas kasi ang rate na babayaran sa July 2022 billing ng nasa Php1.1724 per kWh.

Mula sa Php13.7240 per kWh lamang noong nakaraang June 2022 billing ay tumaas sa Php14.8964 per kWh ang residential rate noong Hulyo.

Ang low voltage rate ay Php13.9429 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php12.1874 per kWh.

Paliwanag ng Canoreco na ang ang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas ng Blended Generation Charge na Php8.8512 per kWh umpara noong nakaraang June 2022 billing na Php7.9443 per kWh.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ito ay dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng gastusin sa gasolina  o Fuel Costs na isang pass-through cost na binayaran sa power supplier na Therma Luzon, Inc. (TLI) para sa supply month ng June 2022.

Ang nasabing Fuel Costs ay tumaas ng 12.78% dahil sa mas maraming paggamit ng mas mahal na coal upang makabuo ng enerhiya.

Tumaas din ang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) dahil sa pagkakaroon ng “sustained high price events” dulot ng “significant generator outages.”

Bahagya ring tumaas ang Transmission System Charge dahil sa mas mataas na average transmission rate ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Tumaas din ang System Loss Charge Senior Citizen Subsidy, Lifeline Subsidy at Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM)/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA) at ang Value Added Tax (VAT) Charges.

Ang Generation Charge ay nagbabago kada buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.

Matatandaan na una nang ipinaliwanag ang tungkol sa pagtaas ng taripa sa kuryente ng mga kinawatan ng Canoreco sa pagharap ng mga ito sa Sanggunaing Bayan ng Daet noong Lunes.

Maliban sa pagtaas ng singil sa kuryente nabuksan rin ang iba’t- ibang isyu tulad ng paningil ng reconnection fee kahit wala namang aktuwal na pagputol, ang di umano’y hindi magandang pag uugali ng ilang mga pumuputol, madalas na brown out at iba pa.