Singer/Comedian sa Naga City, arestado sa umano’y pagbebenta ng shabu

NAGA CITY – Timbog sa isinagawang Anti-illegal Drug Operation ang isang Singer-Comedian sa lungsod ng Naga, Camarines Sur.

Si Romeo Verano Jr. y Flores, alyas “Trixie” 40-anyos ng Cararayan, Naga City ang naging target nang operasyon matapos na mabilhan ito ng hinihinalang shabu ng tumayong poseur buyer.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Nasamsam kay Trixie ang dalawang pakete na naglalaman ng illegal na droga pati na ang ginamit na buy bust money.

Samantala, pinasinungalingan naman ni Trixie na sa kanya ang mga nakuhang illegal na droga dahil hindi naman daw ito nagbebenta, subalit inamin sa BNFM na gumagamit ito ng ipinagbabawal na gamot dahil kailangan umano sa kaniyang trabaho.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Mahaharap ang Singer-Comedian sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.