Signal number 2, nanatiling nakataas sa dalawang lugar

Namataan ang bagyong Dante sa coastal waters ng northern Zambales matapos nitong dumaan malapit sa western coast ng central at southern Zambales.

Sinabi ng PAGASA na inaasahan magdudulot ang Dante ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro kabilang na ang Lubang Islands, at sa northern portion ng Palawan kabilang na ang Calamian Islands.

Mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang pwedeng maranasan sa Ilocos Region, Crodillera Administrative Region, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, Oriental Mindoro, at sa nalalabing bahagi ng Palawan kabilang na ang Cuyo at Kalayaan Islands.

Read More:  VP Sara: government should prioritize needs of ordinary Filipinos amid political noise

Huling namataan ang sentro ng Tropical Storm Dante sa coastal waters ng Santa Cruz, Zambales taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kph malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 90 kph.

Read More:  PGMN host CJ Hirro named person of interest in alleged ₱350M extortion case

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Zambales, at sa western portion ng Pangasinan kabilang na ang Infanta, Mabini, Sual, Labrador, City of Alaminos, Anda, Bolinao, Bani, Agno, Burgos, at Dasol.

Patuloy naman nakataas ang Signal Number 1 sa central portion ng Pangasinan, Bataan, Tarlac, Pampanga, western portion ng Bulacan, western portion ng Cavite, western portion ng Batangas, at Lubang Island.