Signal jamming ng China sa barko ng Pilipinas sa WPS, ikinabahala

Nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Bongbong Marcos sa mga napaulat na signal jamming ng China sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa isang ambush interview sa Villamor Airbase, binigyang-diin ng Pangulo ang kanyang pangamba sa patuloy na pagpapakita ng aktibidad ng China sa nasabing lugar.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Nakakabahala anya na hindi lamang ang Coast Guard ng China ang lumalabas sa WPS, kundi pati na rin ang kanilang Navy at mga fishing boat.

Sa kabila nito, iginiit ng Pangulo na hindi magpapatinag ang Pilipinas sa mga panghaharass ng China, at patuloy na ipagtatanggol ng bansa ang ating teritoryo.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Binanggit din nito hindi titigil ang pamahalaan sa pagsuporta sa mga mangingisdang Pinoy na malaya at walang takot na makapangisda sa West Philippine Sea, na malinaw anyang sakop ng ating maritime territory.