Pamilya ni Jemboy, tuloy sa paghahain ng apela kaugnay sa hatol ng Korte sa mga suspek

Tila hindi raw nakuha ng pamilya Baltazar ang hustisya para sa napatay na binatilyong si Jemboy.

Sa panayam ng 105.1 Brigada News FM Manila sa legal counsel ng pamilya Baltazar na si Atty. Asheline Bacudio, sinabi nitong masakit sa damdamin ang naging hatol ng korte para sa mga akusado sa kaso ng biktima.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Dahil dito, pinag-aaralan pa raw nila ang naging desisyon, at plano nilang maghain ng apela sa Court of Appeals hinggil dito.

Bagamat nirerespeto raw nilang ang hatol sa mga suspek na pulis, nanindigan ang kampo ng mga Baltazar na hindi nila ito sinasang-ayunan.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Mababatid na una nang nagpahayag ng pagkadismaya ang pamilya ni Jemboy dahil sa umano’y napakagaan na sintensya at hatol sa mga akusado sa pagpatay sa binata.