Naniniwala ang Bureau of Immigration (BI) na kuwestiyonable ang paraan ng pagkuha ng Philippine passport ni Shiela (Sheila) Leal Guo, ang kapatid ni dismissed Bamban mayor Alice Guo.
Sabi ng BI, maliban kasi sa Philippine passport ni Shiela, mayroon din itong Chinese passport na valid hanggang 2031.
Magkaiba pa ang date of birth niya sa kaniyang mga passports.
Sa Chinese passport nito, ang nakalagay ay ang kaniyang Chinese name na Zhang Mier.
Wala namang tatak ang ginawa niyang pagpuslit mula sa Pilipinas kaya sa palagay ng BI – ‘backdoor’ ang kaniyang paraan ng pag-alis dito.
May nakita namang record ng kaniyang entry sa Sabah sa Malaysia, kaya posibleng ito rin ang ruta ng pagsibat ng kaniyang kapatid na si Alice.
Ayon sa tanggapan – isang banta sa bansa ang pananatili niya rito kaya posible na rin siyang ipa-deport.