Separation benefits ng mga sundalo, pina re-review ni PBBM

Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Defense, Budget at Finance Department na pag aralan ang umiiral na separation benefits ng mga sundalong nagkaroon ng permanent disability sa line of duty.

Sa kanyang talumpati sa 82nd Anniversary ng Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat sa Bataan, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na dapat masuklian ng tama ang tapang at sakripisyo ng mga kasundaluhan na patuloy na nagsisilbi at lumalaban sa mga panibagong hamon na kinakaharap ng bansa.

Dagdag pa ng Pangulo, dinodoble rin ng pamahalaan ang mga pagsisikap upang mapahusay ang kanilang operational capability, at matiyak ang kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng pag bili ng mga tamang kagamitan.

Kaugnay nito, inatasan ng Punong Ehekutibo ang Department of National Defense at AFP na suriin at mag sumite ng ulat sa kanya hinggil sa kasalukuyang imbentaryo ng mga kagamitan at supply ng militar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *