Patay ang isang senior citizen; habang humigit-kumulang sa 50 mga indibidwal ang nasugatan sa nangyaring pagbigay ng isang bahagi ng ikalawang palapag ng St. Peter the Apostle Church sa San Jose del Monte City sa Bulacan ngayong umaga.
Ayon sa CSJDM-CDRRMO – pasado alas-otso y medya ngayong uamga nang maganap ang insidente ngayong Ash Wednesday.
Kaagad namang dinala sa pagamutan ang mga ito.
Patay naman ang isang 80-anyos na babae.
Ang ilan sa kanila ay isinugod sa Ospital ng Lungsod ng San Jose del Monte, sa Tala Hospital, Brigino General Hospital, Skyline Hospital, Labpro Diagnostic Center, Grace General Hospital, at ang ilan ay nanatili sa clinig ng Simbahan.
Sabi ni Fr. Romulo Perez ng St. Peter Parish Church – gawa raw sa kahoy ang bahagi ng 2nd floor na bumigay.
Maaari raw na naluma na ito at inanay na.
Tiniyak din ni Fr. Perez ang tulong sa mga apektado ng aksidente.