Senior citizen na may kasong murder, dinakip ng CIDG-BAR

Inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Regional Field Unit BAR ang isang senior citizen na may kinakaharap na kasong murder sa bayan ng South Upi, Maguindanao del Sur.


Kinilala ng CIDG BAR ang suspek na si Sulog Mundas, 78 taong gulang na residente ng Sitio Tarwan, Brgy. Pandan sa nasabing bayan.


Bitbit ng mga otoridad ang warrant of arrest sa kasong murder laban sa suspek at ito ay pirmado ni Judge Kasan Abdulrakman ng 12th Judicial Region, Branch 27, Cotabato City na may petsang December 2, 2020.


Walang pyansa na inirekomenda ang korte laban sa suspek na ngayon ay nakakulong na sa lock up cell ng CIDG sa Cotabato City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *