Senator Win Gatchalian, pinaimbestigahan ang bigas na kanya umanong ayuda na hindi mapakinabangan

Pinaimbestigahan ni Senator Win Gatchalian ang mababang kalidad na bigas na naibigay sa mga residenteng nasunugan mula sa Brgy. Pagkakaisa at Brgy. Bagong Silang nitong Pebrero.

Ayon sa Senador, lumabas sa kanilang imbestigasyon na ang mga nirereklamong bigas ay mula sa mga Private Rice Dealers at Retailers.

Kaya’t malinaw umanong hindi sa kanyang tanggapan nanggaling ang mga maaamoy at may amag nang mga bigas dahill aniya, galing ang supply ng bigas na kanyang ayuda sa National Food Authority.

Binisita rin ng opisina ng senador ang NFA Puerto Princesa City upang makasiguro na tama at maayos ang mga naiturnover na sako-sakong bigas sa Local Government Unit.

Samantala, isa sa tinitignang anggulo ng senador kung bakit naikabit sakanyang pangalan ang mga nirereklamong bigas ay dahil hindi na makilala ng mga residente ang mga donors ng kanilang mga ayuda dahil personal nyang nakita na naghalo-halo na umano at nagsabay-sabay ang pamamahagi dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *