Senate Pres. Zubiri, nilagdaan na ang enrolled bill para sa Maharlika Investment Fund

Nilagdaan na ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang “enrolled” copies ng kontrobersiyal na Maharlika Investment Fund.

Ibig sabihin, papalapit na para maaprubahan at malagdaan ang naturang panukala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Maliban sa Maharlika bill, nilagdaan din ni Zubiri ang enrolled bills para sa extension ng estate tax amnesty at pagkilala sa Baler, Aurora bilang birthplace ng Philippine surfing.

Ayon kay Zubiri, ang Maharlika bill ay priority measure, habang ang Estate Tax Amnesty Extension naman ay isang very time-sensitive, kung saan marami nang naghihintay sa mga panukalang ito.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Samantala, hindi pa naman nabibigyan ng linaw kung papaanu matutugunan ng kapulungan ang conflicting Sections 50 at 51 ng Congress-approved Maharlika bill, na nagtatakda ng prescription period para sa mga krimen sa 10 taon at 20 taon. //MHEL PACIA