Inendorso na ng Senate committee on national defense ang panukala na magpapaiksi sa tour of duty ng mga key military officers mula sa kasalukuyang t fixed term na tatlong taon sa dalawang taon na lamang.
Ang shortened tour of duty ng mga Major Service Commanders ang nilalaman sa Senate Bill No. 1849.
Ayon kay Senator Jose “Jinggoy” Estrada, ang approved bill sa komite ay maglilimita sa tour of duty sa limang mga key officers.
Ang mga Chief of Staff naman ay susunod parin sa maximum tour of duty na tatlong taon, habang ang Philippine Military Academy Superintendent ay ipapanatili ang maximum tour of duty na apat na taon.
Samantala, ang iba pang key officers gaya ng Vice Chief of Staff, Deputy Chief of Staff, Unified Command Commanders at The Inspector General ay papayagan na ang lateral movement sa kondisyon na ng appointment sa tenured key position ay saklaw sa one-year prohibition sa mga promosyon.
Mababatid na sa umiiral na Republic Act No. 1170, ang walong AFP officials, kabilang na ang Chief of Staff, ay mayroong fixed three-year term.
