Senate panel, iminungkahi sa DOH na isama ang SolGen sa future COVID-19 vaccine contracts

Hinimok ng Senate Blue Ribbon Committee ang Department of Health (DOH) na isama ang partisipasyon ng Office of the Solicitor General (OSG), lalo na sa susunod na procurement ng COVID-19 vaccines.

Una nang ibinunyag ng DOH ang kanilang plano na bumili ng limitadong bilang ng bivalent COVID-19 vaccines para sa vulnerable population.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Ito ang imingkahi ni Sen. Francis Tolentino, chairman ng Blue Ribbon panel kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa committee’s hearing kaugnay sa umano’y pagtanggi ng DOH na ilabas ang detalye ng vaccine procurement contracts sa pretext ng umano’y existing Non-Disclosure Agreement (NDA).

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Ginawa ni Tolentino ang naturang mungkahi, matapos kumpirmahin ni Vergeire sa pagdinig na plano ng DOH na omorder ng limang milyong doses, sa oras na maglabas na ang Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authority (EUA) sa naturang mga items.

Ayon kay Vergeire, ang naturang vivalent vaccines ay ibibigay bilang karagdagang doses sa vulnerable sector.