Inaasahan ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles ang malakingbilang ng mga examinees sa susunod na taon, para sa Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) for Professional and Subprofessional Levels.
Mababatid na inanunsyo na ng CSC na sisimulan na nila ang pagtanggap ng aplikasyon para sa naturang pagsusulit simula sa Dec. 22.
Ayon sa ahensya, na ang CSE-PPT ay itinakda sa March 26, 2023, habang ang application period naman ay magtatagal hanggang sa Jan. 25, 2023.
Ang special application period naman ay itinakda sa Dec. 14 hanggang Dec. 21 para sa mga examinees ng kinanselang CSE-PPT noong March 15, 2020, pero mas piniling hindi kunin ang refund, sa halip ay kukuha ng March 2023 exam.
Nilinaw naman ng CSC, na ang pagtanggap ng aplikasyon ay first-come, first-served basis at hindi na tatanggap ang CSC Regional o Field Office ng mga aplikasyon sa oras na maabot na ang target na bilang ng mga aplikante, kahit hindi pa aabot sa deadline.
