Senate Majority Leader – naniniwalang ang China dapat ang paalisin sa Escoda Shoal

Nanindigan si Senate Majority Leader Francis Tolentino na parte ng dalawang daang nautical miles ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang Escoda Shoal o kilala rin sa tawag na Sabina Shoal.

Kung kaya’t kinwestyon ng senador ang pagpaalis ng China sa BRP Teresa Magbanua na naka-station na rito ng halos apat na buwan.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Kasunod nito, naniniwala siya na ang China dapat ang paalisin dito at hindi ang vessels ng bansa.

Dagdag pa niya, dapat lang ding ipagpatuloy ng gobyerno ang mga ginagawa nito tulad ng pagkakaroon ng scientific exploration ng UP Marine Institute.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Matatandaan, ayon sa spokesperson ng China Foreign Ministry, lumabag umano ang vessel ng bansa sa kanilang probisyon dahil sa pananatili sa kanilang South China Sea.