Senate hearing kaugnay sa maanomalyang paggasta sa COVID-19, ipinagpaliban

Ipinagpaliban ng Senate Blue Ribbon Commitee ang ika-17 pagdinig kaugnay sa umano’y maanomalyang paggasta sa COVID-19 response fund noong nakaraang taon.

Sa halip na gawin ang pagdinig ngayong hapon, muli itong itinakda sa Martes, December 21, 2021.

Read More:  Palace urges Senator Bato to face ICC process

Sa notice of postponement ng komite, idinahilan nito ang isinasagawang emergency operations matapos ang pagtama ng bagyong Odette sa bansa.

Nabatid na ilan sa naging kontrobersiyal sa naturang pagdinig ang kumpanyang Pharmally matapos makakuha ng bilyones na halaga ng kontrata para magsuplay ng mga PPE sa DOH.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Kasalukuyan din nakakulang ang ilang executive officers ng naturang kumpanya matapos i-cite in contempt ng Senado.