Ini-realign ng Senate finance committee ang P152.668 million na halaga ng confidential funds sa 2023 national budget sa maintenance and other operating expenses o MOOE ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno,
Ayon kay Senator Sonny Angara, pinakinggan niya ang mga ipinarating ng kaniyang mga kasamahan sa Senado kaya inilipat ng kaniyang komite ang ilang halaga mula sa confidential funds para ilagay sa MOOE
Kabilang sa mga confidential funds na na-realign sa MOOE ay ang P100 million mula sa Department of Education hanggang sa Office of the Vice President, P5 million sa Department of Foreign Affairs, P19.2 million sa Department of Justice, P2 million sa Department of Social Welfare and Development, P6 million sa ibang executive offices at P20 million sa Office of the Ombudsman.
Iminungkahi ni Senator Risa Hontiveros na ilipat ang P100 million confidential funds, na ini-realign ng Senate panel sa OVP, pabalik sa DepEd at gamitin ito bilang pondo para sa Health Learners Institution Program ng ahensya.

Itinulak din ng deputy minority lawmaker na i-realign ang natitirang P50 milyon na confidential funds ng DepEd sa Health Learners Institution Program ng ahensya.
Sa halip na tanggihan ang panukala ni Hontiveros, iminungkahi ni Angara na bawasan ang natitirang P50 million ng DepEd confidential funds sa P30 milion at i-realign ang P20 million sa programang binanggit ng minority senator.