10 patay sa pamamaril sa isang supermarket sa Virginia, USA

Nasa 10 katao ang napaulat ng namatay sa panibagong mass shooting incident sa isang Walmart supermarket sa Chesapeake Virginia, USA.

Sa ulat ng police department sa Virginia, nadiskubre sa mismong pinagyarihan ng krimen ang maraming katawan ng namatay at nasugatan sa nangyaring pamamaril.

Read More:  Nearly 200 OFWs to come home following attacks in Saudi Arabia

Ayon kay Chesapeake Police Department public information officer Leo Kosinski, pinaniniwalaan na ang gunman ay isang store manager na kalaunan ay nagbaril din sa sarili.

Read More:  Two vessels sink near Strait of Hormuz after projectile strikes

Iniimbestigahan na ang mga awtoridad ang karumal-dumal na krimen at wala pang nakikitang motibo sa ngayon sa naturang insidente.