Senate Deputy Minority Leader- nanawagang i-civilianize ang teritoryo sa WPS

Naniniwala si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na isang patunay lang ang naging matagumpay na resupply mission sa Bajo de Masinloc na hindi kailanman aatras, papatinag at maduduwag ang mga Pilipino laban sa China.

Ayon pa senadora, pinapakita lang din nito ang kakayahan ng sambayanan na magkaisa para sa soberanya.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Kaugnay nito, hindi tulad umano ng layunin ng China na i-militarize ang West Philippine Sea (WPS), ang panawagan ng senadora ay i-civilianize o i-non militarize ito.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Sa pamamagitan nito, umaasa ang senadora na maiiwasan o malalayo ang teritoryo ng Pilipinas sa anumang gulo.

Samantala, muli na naman ding nanawagan ang senadora sa China na tumigil na sa mga ginagawa nitong karahasan at pag-angkin sa WPS.