NSC, nagpasalamat sa buong suporta ni PBBM sa NTF-ELCAC

Nagpasalamat si National Security Adviser Secretary Eduardo Año sa buong suporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict.

Ito’y matapos tiyakin ng Pangulo na hindi bubuwagin ang NTF-ELCAC, na bahagi ng whole of Nation approach para makamit ang pangmatagalang kapayapaan.

Read More:  OVP proposes ₱785.204 million budget for 2027, 11.7% lower than 2026

Sa isang pahayag, sinabi ni Sec. Año na sa ilalim ng liderato ng Pangulo, sisikapin ng NTF-ELCAC na makumpleto ang kanyang misyon.

Sinabi ni Sec. Año na ang NTF-ELCAC ang nakatulong sa pagbabalik loob ng ng mga dating rebelde, na nabigyan ng panibagong pagkakataon na bumalik sa lipunan sa pamamagitan ng mga programang tulad ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) at Assistance to Individuals in Crisis situations (AICS).

Read More:  Romualdez camp cites recantations, but Ombudsman cites 28 witnesses in flood control probe

Ang NTF-ELCAC din aniya ang naging daan sa implementasyon ng Barangay Development Program (BDP) na maghahatid ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa mga liblib na lugar na dating napabayaan.