Senadora, tinawag na “abuser” at “gaslighter” ang China

“Abuser na, gaslighter pa”

‘yan ang mariing pahayag ni Senadora Risa Hontiveros kaunay sa pinakahuling water cannon incident sa pagitan ng China Coast Guard at Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea.

Ayon kay Hontiveros, kailangan ng doblehin ng bansa ang kampanya nito sa publiko na ang WPS ay pagmamay-ari ng Pilipinas.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Kaugnay nito, naniniwala ang senadora na kailangan ng mai-upgrade ang Philippine Coast Guard at Philippine Navy upang malabanan ang panghaharang at pang-aabuso ng China.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Dagdag pa niya, marapat lang ding aprubahan ng Kongreso ang mas mataas na pondo para sa intelligence funds ng mga nagbabantay dito.

Dahil kung mas mapapalakas umano ang mga frontliners dito ay mas mapapalakas din ang pambansang seguridad ng bansa.