Magatos at matatrabaho pa kung itutuloy pa ang special election para sa papalit sa nabakanteng 3rd district representative ng Negros Oriental, ayon sa Commission on Election (Comelec).
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Comelec, Chair. George Garcia, sinabi nito na kung ang komisyon ang masusunod ay ang pagtatalaga ng care taker ang mas mainam sa situasyon bagaman ang House of Representatives ang magdidesisyon sa usapin.
Ayon kay Garcia, dahil sa nalalapit na halalan sa 2025 ay magiging maiksi lamang ang itatagal sa posisyon ng papalit kay dating Cong. Arnolfo Teves Jr.
Kung maalala, itinalaga ng HR si House Speaker Martin Romualdez bilang legislative caretaker ng 3rd district ng Palawan matapos mabakante ito sa pagpanaw ni dating Rep. Edward Hagedorn.
Habang sa first district ng Valenzuela City ay isang care taker din ang nakaupo sa katauhan Rep. WIlfrido Mark Enverga na pumalit sa binakante ni dating Cong. Rex Gatchalian na na-aapoint bilang DSWD Secretary.