Senadora Hontiveros kay Quiboloy – ‘lumabas ka na sa lungga mo!’

Hinamon ni Senadora Risa Hontiveros si Apollo Quiboloy na lumabas na sa pinagtataguan nito at humarap sa Senado.

Giit ni Hontiveros, dahil nagpapa-interview na si Quiboloy sa mga vlogger – dapat na rin daw itong makausap ng mga mambabatas.

Mariing sinabi rin nito na hindi maitatago ng inilabas na audio recording ang takot ng televangelist ngayong lumabas na ang katotohanan.

Ang tinutukoy ng senadora ay ang ini-release na audio recording ng kampo ni Quiboloy sa YouTube channel ng Sonshine Media Network International.

Mababatid na sa naturang recording, sinabi ni Quiboloy na mas pipiliin niya pang mamatay kaysa mahuli siya ng mga otoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *