Nagpositibo na rin sa COVID-19 si Senadora Grace Poe.
Ito ang kinumpirma ni Senate President Migz Zubiri sa plenary session ngayong hapon.
Si Poe ang ika-apat na Senador na nagpositibo sa nakahahawang virus sa nagdaang mga linggo.
Nakaraang linggo nang magpositibo rin si Senadora Cynthia Villar.
Bago ito, na-infect din sina Senadora Imee Marcos at Senador Alan Peter Cayetano.
Dahil dito, hindi na muna personal na nakadalo sa sesyon ang mga mambabatas at dumalo lamang sa pamamagitan ng virtual meeting.
Una nang nag-payo si Zubiri sa mga mambabatas at mga empleyado ng Senado na mag-doble ingat para hindi mahawa ng virus.
Naghigpit na rin ang Senado sa kanilang mga protocols kabilang na ang paglilimita sa mga nakakapasok sa kanilang gusali; habang required na rin simula kahapon ang pagpe-presenta ng vaccination card at negatibong COVID-19 test result.
#