Pangulong Marcos nagpaturok ng booster shot

Isinabay na ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang pagpapaturok ng kanyang booster shot laban sa COVID-19 sa kanyang pagbisita sa vaccination site sa isang mall sa Maynila.

Ginawa ito ng Pangulo bilang pagsuporta sa mas pinalawak na vaccination drive ng pamahalaan na tinawag din ‘PinasLakas Program’.

Kasama ng Pangulo sina DOH OIC Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Manila Mayor Honey Lacuna at SM Supermalls President Steven Tan na nanguna sa aktibidad na isinagawa sa loob sa cinema lobby ng SM Manila.

Read More:  DOJ expects Apollo Quiboloy’s extradition case could move forward within months

Sa naturang aktibidad nagbigay ng overview si Vergeire sa nationwide booster vaccination campaign na layong madagdagan ang bilang ng mga nagpapabakuna laban sa COVID-19.

Sa ngayon, mahigit 18,900 ‘PinasLakas’ vaccination sites na ang inilunsad sa buong bansa, na kinabibilangan ng mga lugar tulad ng mga palengke, paaralan, lugar ng trabaho, terminal, simbahan at mga mobile vaccination site.

Read More:  BIR extends tax filing deadline amid Habagat, eBIRForms issues

Layunin ng gobyerno na ganap na mabakunahan ang 90% ng populasyon ng A2 o senior citizen, gayundin ang pagtaas ng booster dose coverage sa 50% ng kabuuang populasyon bago ang Oktubre 8, 2022 na nagmarka ng unang 100 araw ng Marcos Administration.
#