Senadora, gawing standard operating procedure ang paglilinis sa paliparan

Batid ni Senate Committee on Public Services, Chairperson, Senadora Grace Poe na matagal na ring isyu sa ibang bansa ang pagkakaroon ng bed bugs o surot.

Isa na nga raw sa mga halimbawang apektado rito ay ang mga train station at hotel sa France.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Kaugnay nito, agad na nanawagan si Poe sa mga paliparan at maging sa mga maintenance office ng pampubliko at pribadong lugar na tiyakin ang pag-checheck at paglilinis sa mga pasilidad.

Dagdag pa niya, dapat ding maging standard operating procedure na ito hindi lang tuwing may virus outbreak o infestation.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ito ay kasunod sa nag-viral na reklamo ng ilang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na may surot sa mga upuan sa paliparan.

Maalala, ayon sa pest control service ng NAIA, posibleng galing umano sa ibang bansa ang mga surot na nakita sa pasilidad.