Senador Tulfo, nanindigang dapat tapyasan ng budget ang mga agencies na tadtad ng kurapsyon

Iminungkahi ni Senador Raffy Tulfo sa gobyerno ang pagbabalik sa ibinawas na pondo para sa Department of Energy (DOE).

Ito ay matapos sabihin ni DOE Secretary Raphael Lotilla na kulang ang budget na inilaan sa kanila.

Ayon kay Lotilla, P29.54 bilyon ang kanilang kailangan upang maisakatuparan ang kabuuang household electrification sa bansa na siyang target ng Pangulo bago matapos ang kanyang termino.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Tulfo na imbis na tapyasan ng pondo ang mga ahensiya tulad ng DOE ay dapat ang mga ahensiyang tadtad ng katiwalian ang bawasan tulad ng National Irrigation Administration (NIA).

Dagdag pa niya, taun-taon nalang nakatatanggap ang NIA ng bilyo-bilyones na pondo ngunit wala namang napupuntahang proyekto.

Maalala, dahil sa budget cut sa DOE ay mayroong mahigit 1,500 na sitio ang hindi muna maabutan ng proyekto ng National Electrification Administration (NEA).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *