Umaasa si Senador JV Ejercito na dadalo sina Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr, at mga kinatawan mula sa National Bureau of Investigation sa isasagawang pagidnig ng Senado para sa mga napaulat na kidnappings sa bansa.
Sa araw ng Huwebes, nakatakda nang mag-imbestiga angSenate Committee on Public Order and Dangerous Drugs hinggil sa mga kumalat na balita na serye ng abductions sa iba’t ibang rehyon sa Pilipinas partikular sa Luzon.
Ito ay hinggil sa tatlong mga Senate Resolutions na inihain ni Ejercito, pati na rin sina Senadora Grace Poe at Senadora Imee Marcos hinggil sa naturang crime incidents.
Sa isang panayam, sinabi ni Ejercito na dapat busisiin ang lahat ng mga anggulo hingil dito.
Una na kasing isiniwalat ng grupo ng mga Chinese businessman ang umano’y 56 na POGO-related kidnapping incidents, bagay naman na pinabulaanan ng PNP.
Ayon kay Ejercito, mayroon pang na-ungkat na ‘di umano’y Cambodian-Chinese syndicates na nasa likod ng mga modus na ito.
Dahil dito, makaaasa aniyang mabubulatlat ang lahat ng mga posibleng anggulo hinggil sa naturang kidnappings.
#