Senador pina-o-obliga ang mga contractors na magkaroon ng P1M liability insurance

Hinimok ng isang senador ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na obligahin ang mga contractors nito na magkaroon ng liability insurance para sa aksidenteng pagkamatay o injuries ng mga manggagawa at motorista.

Sa pagdinig ng Committee on Finance sinabi ni Sen. Raffy Tulfo na ang halaga ng coverage ng nasabing liability insurance ay dapat na hindi bababa sa P1 Million bawat proyekto.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Paliwanag ng senador sa kanyang karanasan pahirapan ang pagsingil sa mga kontraktor kapag nagkakaroon ng disgrasya sa kanilang mga trabahador o kaya’y motorista dahil sa kapabayaan.

May pagkakataon umano inaalok lamang ng P20,000 ng mga kontraktor ang mga manggagawa nilang nasawi habang nasa trabaho.

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Samantala, malugod na tinanggap ni Public Works Secretary Manuel Bonoan ang mungkahi ni Tulfo, at sinabing titingnan nila ang mga paraan upang maisama ang nasabing P1M liability insurance sa kasalukuyang polisiya.