Wala umanong balak si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na makilalam sa kaso ni dating senadora Leila De Lima.
Sa ambush interview sa PICC sinabi ng Pangulo na ipapaubaya niya sa korte ang kaso ng dating mambabatas.
Sa kabila nito inihayag naman ni Marcos na ipagpapatuloy lamang nila ang monitoring sa takbo ng kaso ni Senator De Lima.
Kinumpirma naman ng Pangulo na nakausap niya si De Lima matapos ang insidente ng hostage taking sa PNP Custodial Center sa Camp Crame noong Linggo.
Ayon sa Pangulo tinanong nya ang senadora kung ito ba ay nakakaramdam na hindi ligtas sa PNP Custodial center para mailipat nang ibang pasilidad.
Sumagot naman umano si Delima na hindi na kailangan para ilipat pa ito sa ibang detention facility.
Nabatid na matapos ang hostage taking incident sa camp crame, inulan ng panawagan mula sa mga taga-suporta ni de Lima na palayain na ang dating senador na ilang taon nang nakakulong dahil umano’y pagkakasangkot illegal drug trade.
