Suportado ni Senador Bong Revilla ang mga panukala para taasan ang sahod ng mga government employees.
Ito ay makaraang humirit ang iba’t ibang mga grupo na itaas sa P33,000 ang buwanang sahod ng mga kawani ng Gobyerno.
Ayon sa Revilla, nararapat lamang na tingnan kung sapat ang natatanggap na sahod ng mga empleyado ng gobyerno lalo pa’t patuloy na tumataas ang presyo ng bilihin.
Desidido naman si Revilla na sponsoran ang legislation kung magiging posible ang nasabing pag-aaral.
Matatandaan na si Revilla ang sumulat at nag-sponsor sa Salary Standardization Law of 2019, at kasalukuyang chairperson of the Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation
Bago ito, una nang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ipauubaya na nila sa Kongreso ang pagbabalangkas ng batas para pataasin ang sahod ng mga kawani ng gobyerno.
#
RELATED STORIES:
