Aabot ng 7.5 million customers ang maapektuhan ng temporary relief on the power supply agreement sa pagitan ng South Premier Corp. at Manila Electric Co o MERALCO.
Ayon kay Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson and CEO Monalisa Dimalanta, ang mga customer ng Meralco sa loob at labas ng Metro Manila ay makararanas ng mas mataas na electricity prices.
Tinatayang 7.5 million customers umano ng nasabing kumpanya ang maaapektuhan kapag naipatupad na ang temporary restraining order.
Dagdag ni Dimalanta, nais ng kanilang ahensya na protektahan hindi lang Meralco consumers, kung ‘di pati na rin ang lahat na consumers. Ngunit sadyang magkakaroon ng pagtaas ng presyo.
Hiling ng ERC na ibase ang gagawing paggalaw sa presyo sa batas at actual cost.
Una nang umapela si Pangulong Bongbong Marcos sa Court of Appeals na ikunsidera nito ang TRO na inisyu sa power supply agreement (PSA) sa pagitan ng San Miguel Corp. subsidiary South Premier Power Corp. (SPPC) at ng MERALCO.
#
RELATED STORIES:
