Senador, nanawagan sa mga kandidato makiisa sa pagkakaroon ng maayos na halalan at Undas

Binigyang-diin ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang kahalagahan ng pagpapanatili ng peace and order sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) elections, maging sa Unda sa susunod na linggo.

Ayon kay Estrada, mahalagang matiyak na ang BSKE, All Saint’s Day, at All Soul’s Day ay mairaos nang may ligtas.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Dagdag pa niya, ang naturang mga events ay mahalaga sa national calendar at safety ng bawat Pilipino.

Dahil dito ay hinikayat ng mambabatas ang mga kandidato at mga taga-suporta ng mga ito na makiisa nang mapayapa sa democratic exercise, habang sinusunod ang mga batas kaugnay ang election regulations.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sa huli, binigyang-diin din ng senador ang pagkakaroon ng maaayos na biyahe para sa publikong inaasahang magsisiuwian ng kani-kanilang probinsya.