Senador, nanawagan sa DOTr na ipaliwanag ang isyu sa kakulangan ng beep card

Binigyang diin ni Sen. Grace Poe na dapat ipaliwanag ng Department of Transportation (DOTr), kung bakit may kakulangan sa suplay ng beep cards.

Ang beep card ay stored-value contactless card na ginagamit sa mga rail lines, piling mga buses at modern public utility vehicles.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sa gitna ng kakulangan ng beep cards, ay may ibinebenta ngayon sa mga online shopping platforms sa mas mahala na presyo na P188, kumpara sa orihinal na presyo nito na P100 sa mga train stations.

Dahil dito, sinabi ni Poe na dapat bigyang linaw ng DOTr ang naturang ulat.

Para sa senadora, na ang shortage sa beep cards, ay isang hakbang paurong sa layunin ng bansa na ma-digitalize ang transportation payment scheme bilang mas ligtas at mas convenient na paraan.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Binigyang diin nito, na bilyon-bilyon ang inilaan na pondo ng gobyerno para sa pagdevelop at pagmodernize sa railways system ng bansa, kaya dapat din umanong maramdaman ng mga tao ang bunga ng kanilang hard-earned taxes.