Ex-SOH Garin sa vaccine wastage – ‘Hindi katanggap-tanggap!’

Iginiit ni Iloilo Rep. Janette Garin na ang milyon-milyong COVID-19 shots na nasayang ay hindi katanggap-tanggap dahil sa pagtaya umano niya, ang totoong bilang nito ay maaring lampas pa sa iniulat ng gobyerno.

Ayon kay Garin, na batay sa datos na kanyang nakalap, sinasabing nasa 55 million doses ang mga nasayang.

Binigyang diin pa nito, na may 31 million doses pa na may shelf life extension, pero inaasahan din umanong masasayang.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na mahigit 31 million doses ng COVID-19 shots na nagkakahalaga sa P15.6 billion ang naaksaya lang.

Samantala, hindi pa naman nagbibigay ng komento ang DOH kaugnay sa pahayag ni Garin.

Para sa dating Health Secretary, hindi na dapat nauulit ang wastage issue lalo na ngayon na kailangan bumili ng bivalent vaccines para protektahan ang publiko mula sa bagong mas nakakahawang COVID-19 variants.