Mariing kinondena ng ilang senador ang panibagong pangigitgit at panghaharang ng China sa marine scientific research mission ng Pilipinas sa Sabina shoal o mas kilala sa Escoda shoal.
Ayon kay Senador Joel Villanueva, ang patuloy na pambu-bully, pangha-harass at agresibong aksyon sa West Philippine Sea ay nag-ugat lahat sa China.
Alinsunod nito, muli niyang iminungkahi ang paghahain ng diplomatic protest bagamat may 154 ng naihain mula noong pag-upo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Anya, sa pamagitan nito ay maipapakita ng bansa na seryoso ito sa pag-angkin sa WPS bilang teritoryo ng bansa.
Dagdag pa niya, maari ring gumawa ng formal demand ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa regular Bilateral Consultations sa counterpart ng China.