Senador, hihilingin kay Marcos na ipasa ang death penalty para sa mga drug lords

Hihilingin ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa kay President Ferdinand Marcos Jr. na ipasa ang death penalty para sa mga drug lords sa bansa.

Ayon kay Dela Rosa, hindi umano siya magdadalawang-isip na ipa-certify kay Marcos ang naturang batas kung bibigyan ng pagkakataon na makausap ito.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Matatandaang muli niyang isinumete ang nasabing bill sa 19th Congress dahil sa talamak na insidente nito sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Samantala, iginiit ng senador na ito din umano ang suhestiyon ng ilang mga drug lords na nakausap niya mismo sa loob ng bilangguan. (ARGIE ERGINA)