Senador Go – tinawag na ‘black propaganda’ ang mga panibagong kasong isinampa ni dating senador Trillanes

‘Another rehashed accusation’

‘ganyan kung ilarawan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang bagong inihaing corruption complaints ni dating Senador Antonio Trillanes IV sa kanya at maging kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Anya, halata namang black propaganda lang ito ni Trillanes upang maging sikat ito at kumita lalo na’t papalapit na ang eleksyon.

Read More:  Sandiganbayan denies Revilla’s request to attend brother’s wake

Bagamat ayaw na umanong patulan pa ni Go ang mga alegasyon ni Trillanes ay magsasalita na siya upang matigil na ito.

Ayon kay Go, kung tutuusin ay recycle na lang ang isyu na ito dahil noon pa lang ay sinabi na ni Defense Secretary Delfin Lorenza na walang kinalaman ang senador sa Frigate Acquisition Project (FAP) ng Philippine Navy.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Maalala, ayon sa inihaing plunder at graft complaints ni Trillanes, lumalabas na aabot hanggang P16 bilyon ang sinasabing anomalya sa (FAP) na di umano’y kinasangkutan ni Go at Duterte.