Senador, ‘di magdadalawang-isip na ipakulong sa ang ilang opisyales ng PAGCOR

Inutusan ni Senador Raffy Tulfo ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ipaliwanag sa kanila sa susunod na pagdinig ang dahilan ng kanilang pag-teterminate sa kanilang mga empleyado.

Ito ay matapos humarap sa naging pagdinig ang dalawa nilang empleyadong nagrereklamo dahil dito na kapwa below minimum wage earners pa sa kabila ng kanilang mahabang serbisyo sa casino company.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Kaugnay nito, ayon kay Tulfo, kung hindi sila masa-satisfy sa pagpapaliwanag ng mga ito sa komite ay hindi siya magdadalawang isip na ipa-cite in contempt o ipakulong ang mga ito sa Senado.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Dagdag pa niya, gusto rin niyang makita ang binabanggit ng PAGCOR na compensation and position classification system (cpcs) upang ma-review ito at maiadjust ang sahod sa mga manggagawa.