Senado, umaasang maipapasa na rin sa Kamara ang umentong P100 dagdag sahod matapos ang pagdiriwang ng Labor Day

Nananatiling ‘undervalue’ kung ilarawan ni Senate President Migz Zubiri ang mga manggagawa sa bansa.

Ito ay sa kabila umano ng mahalagang kontribusyon ng mga ito sa pagpapalago ng industriya at ekonomiya.

Kaugnay nito, matapos makalusot sa Senado ng P100 Daily Minimum Wage Increase Act ay umaasa ang senador na maipapasa na rin ito sa Kamara.

Maalala, kinontra ni Representative Stella Luz Quimbo ang pagsusulong nito dahil sa di umano’y ‘inflationary effect’ na maaring maidulot ng umentong P100.

Samantala, hiniling naman din ni Senadora Grace Poe sa mga employer na magbigay ng supplementary allowance o mag-extend ng assistance sa kanilang mga trabahador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *