Senado – target maipasa ang 20 priority bills bago matapos ang taon

Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa naganap na press conference ngayong araw na layunin ng Senado na makapagpasa ng 20 priority bills sa darating na Disyembre ngayong taon.

Kung matatandaan, tinukoy sa naganap na Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting noong ika-4 ng Hulyo ang mga panukalang batas na inaasahang maaprubahan ng Senado.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Kabilang sa top 20 priority bills na inaasahang maipasa ngayong Disyembre ayon sa senador ay ang Mandatory ROTC and NSTP bill, Revitalizing the Salt Industry bill, E-Government/E-Governance bill at marami pang iba.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Samantala, sa huling pahayag ni Zubiri, ilan sa mga nasa second reading approval na ay ang New Philippine Passport Act, Internet Transactions Act, Center for Disease Control Act at iba pa.
#